Kapistahan ng Señor Sto. Niño, sanggayong A

Sa pananaw ng mga bata
Ebanghelyo: Mat. 18, 5 - 10

Mula sa makulay na kasaysayan, ng Pilipinas, naitalaga ito sa pangangalaga ng Sto. Niño na unang dinala sa Cebu.  Mula noon, ang bawat salinlahi ay naialay na sa Banal na Sanggol at sa Mahal na Birheng Maria.

Sino si Kristo sa atin?  Saad ni Isaias, "Siya ang kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, walang hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan."  Malawak ang kanyang kapangyarihan, sakop sa buong mundo at sakop ang lahat ng panahon!

Nakalulungkot lamang dahil ang ang mundo'y balot sa pag-aaway, kasakiman, pagkakanya-kanya.  Hindi nito makilala ang gawa ng Diyos!

Ngunit ang kasagutan ay hindi sa malalaking bagay.  Ito'y matatagpuan sa puso ng isang bata.  Siya lang ang nakakakita ng kapangyarihan ng Diyos.

Gayahin natin ang bata: mapagkumbaba, alam na hindi ito mabubuhay sa sarili kundi nakasalalay ang buhay sa mga magulang, lalo na sa ama.

Tignan natin ang mundo sa mga mata ng isang bata: malinis, wagas, walang bahid dungis ... kumikilala, tumatanggap. Ganito ang pananaw ni Hesus.

Ikatlo, ipagtanggol natin ang mga bata.  Ito mismo ang mundo ni Kristong bumabalot sa mundo.

Comments