Mateo 10: 37 - 42
Anong ibig sabihin ng "Kung kailan mo pa nais mabuhay, saka pa mas mamamatay"? Tignan natin ang mga pagbasa.
Sa unang pagbasa, yung pakikipagkapwa, kung kailan naialay mo pa ang yung buhay sa kapwa saka ka pa lang nabuhay.
Sa ikalawang pagbasa, pinaliwanag ni Pablo, ang pagkamatay natin sa ating sarili'y pagkabuhay natin kay Kristo. Ang binyag natin ay isang uri ng pagkamatay sa sarili natin. ngunit si Kristo na ang bumubuhay sa atin at tayo'y nagiging Kristiyano.
Ang ebanghelyo natin ay tunay na pagpapahiwatig ng pagmakamatay sa sariling mga kagustuhan. Una, nais ni Kristo na mas mahal natin siya kaysa sa ating mga magulang.
Ikalawa, nais niyang tahakin natin ang landas ng kabanalan at igalang ang mga banal na tao kumakatawan sa kanya.
Ikatlo, nais niya na ang lahat ng ating gagawin, kahit magbigay ng tubig sa isang nauuhaw ay ginagawa natin sa kanyang pangalan.
Ang lahat ng mga halimbawang ito'y nagpapahiwatig na ang landas tungo sa tunay na buhay ay hindi ukol sa sarili kundi pagmamahal sa Diyos at kapwa bago ang sarili. Matatanggap natin ang buhay na walang hanggan kung alam natin kung paano tunay na magmahal at magbuwis ng buhay alang-alang sa iba.
Comments
Post a Comment
God bless you for your comments. Know that you are prayed for.