Ebanghelyo: Matthew 2:1-12
Ngunit alam ba natin na ang mga batayan ng siyensya, bago maging teorya o batas, at galing sa pilosopiya? Ang mga siyentista, habang masugid na pinag-aaralan ang mga bagay, ay may mga nasisilayan na galing sa panaginip?
May doktor akong kakilala, sabi niya pag nagbigay siya ng riseta, sabi niya sa pasyente, “Ayan, gagaling ka na.” Pero sa kanyang kalooban, inaamin niya, “Lord, sana gumana ang gamot.” Kahit doktor, marunong magdasal.
Ang sinasabi ko lamang ay, "Walang kaduda na nais ng Diyos na tayo’y makausap at makita natin siya. Noon pa, noong walang kasalanam at pagdidilim ng puso’t isipan, nakikita ng tao and Diyos."
At ngayon, nakikita natin si Hesus. Hindi mahalaga kung ano ang kanyang mukha, alam nating siya’y nagkatawang tao at nakipanayam sa atin.” Dahil dito, nababanaag natin ang Diyos.
Si Kristo na tunay na tao, ang sumasaktawan ng kabutihan ng Diyos. Kung naririnig at naisasabuhay natin ang kanyang mga tinuturo, siya ay nananatili sa atin. Naisasabuhay natin ang kabutihang nais ng Diyos. Dito sinasabi, “Jerusalem, ikaw ay nagliliwanag, dahil ang liwanag ng Diyos ay sumisikat sa iyo.”
Kaya po, magliwanag lahat ng ating mga sinasabi at sinasabuhay. Makita nawa ng iba ang kabutihan ng Diyos sa ating buhay.
Comments
Post a Comment
God bless you for your comments. Know that you are prayed for.